Sunday, December 17, 2006

hAysKuL dAnZ,SiMbAnG TuLoG, aNd DiViSoRiA...

It's the start of something new! yang ang theme ng hayskul danz namen,, naku! naging new nga ako kagabi,, ngayon ko lang nalaman iba pala ako sa danz floor (Lupeeeeeeet!) para akong nasa disco,, kaso yung iba nahihiyang magdance,, tuloy hindi na-enjoy ang night,, okey lang naman mag danz kasi lights off,, disco light lang naman ang nakaopen,, Ang saya! lalo na dun sa mga die hard fan ni kuya santi (ang mga SANTINIANS!) aba nagsayaw ba naman ng senti na walang kasayaw w/ matching taas ng kamay ehh iyon pala iniisip nila na kasayaw nila si kuya santi! hay kaloka! pero actually isa rin ako sa mga gumawa nun!! todo enjoy talaga ako sa sayaw kahet na merong mga rockers na walang alam na gawin kundi mag sayaw stampede!! syempre papayag ba akong matapos ang gabi na walang magsasayaw sa akin,, well kinikilig talaga ako sa mga senti na songs! sayang nga at hindi ako nasayaw ng taong expected ko na magsasayaw sa akin pero okey lang kasi alam ko naman na gusto niya akong isayaw kaso meron pala akong ibang kadanz asar tuloy! well change topic

I thank GOD kasi pinayagan ako ni papa na matulog sa house ni tantoy syempre alam naman niya na 12am matatapos ang hayskul danz at wala ng ibang sasakyan na dumadaan sa road at maglalakad pa ako pauwi! kaya pumayag na lang siya total malapit lang naman ang bahay ni tantoy sa skul ehh! five kaming natulog kela tantoy and we decided na magsimbang gabi kelangan daw kasing macomplete ang simbang gabi according to my friends na catholic pumayag naman ako kahit different ang religion ko sa kanila! dahil sa mga kwentuhan namin nakatulog kami ng maaga mga 2am-3am ang aga diba!? hay naku nagising kami ng 7:30am at ang simbang gabi naging SIMBANG TULOG! sosyal di ba? 8am went home na ako para lang maligo (muka bang C.R ang house namen?) kasi kelangan naming pumunta sa divisoria at yun ang first time ko na pumunta dun dahil hanggang recto lang ako! si tantoy, recca, at leo ang mga kasama ko,, waiting place namen ang barangka! tapos akyat kami ng 92 step sa ateneo para menus pamasahe kaso kapagod well enjoy naman kasi ang dami ng cute na mga atenista!!!! tapos LRT na,, then pagkababa kain muna ng buy 1 take 1 na hamburger!! first time kong nakita ang divisoria at nalulungkot ako,, napakalaki ng difference nila ng MARIKINA,, mabaho,, madumi,, magulo.. yung daanan ng vehicles naging daanan ng tao.. in short siksikan... meron ngang MMDA pero hindi naman sinusunod.. naaawa ako sa country naten!! naaawa ako sa place na iyon,, halos kasing dami ng mga tao ang basura,, maraming pulubi.. Mga bagay na hindi nakikita ng pamahalaan,, hindi nakikita ng mga mabulaklak na labi ng mga pulitiko sa halalan at higit sa lahat mga bagay na hindi nakikita ng mga pilipino.. masakit mang isipin pero iyan ang totoo.. nagwawalang bahala tayo sa mga bagay-bagay na lahat tayo apektado..,, Oo, gala ako pero hindi lang para mag-enjoy kundi para tingnan ang iba't ibang mukha ng buhay!! I'm lucky kasi di ako katulad nila.. They stay in their places at nanghihingi lang ng limos... ang iba isang kahig isang tuka,, sinabihan nga ako ng isang vendor na "Miss bilhin mo na tong tinda ko bago ka madukutan,," kaawaawa talaga ang place na iyon,,, Pero nag-enjoy talaga ako,, marami akong natutunan ngayong day na ito.. sobrang kapagod! bye GuYs review pa ako ehh!

No comments: